TIRIK | MRT-3, muling nagkaaberya; Mga pasahero, pinababa

Manila, Philippines – Nagbaba ng isang libong pasahero ang pinababa matapos na tumirik ang isang tren ng Metro Rail Transit line 3 dahil sa hindi nagsarang pintuan.

1:17 kanina nang maitala ang aberya sa Southbound ng Ortigas station.

Ayon kay Aly Narvaez, MRT-3 media officer, agad namang naisakay sa sumunod na tren ang apektadong mga pasahero matapos ang anim na minuto.


As of 1:20pm 13 tren na ang tumatakbo sa revenue line ng MRT para magsilbi sa libu-libong pasahero.

Dinala na sa MRT depot ang nag-malfuntion na tren para sa replacement ng door components.

Facebook Comments