Manila, Philippines – Pormal nang nanungkulan si Lieutenant General Rozzano Briguez bilang pinuno ng Philippine Air Force (PAF).
Pinalitan ni Briguez si Lieutenant General Galileo Kintanar Jr., na nagretiro na sa pwesto.
Mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang nanuguna sa change of command ceremony na ginanap sa Villamor Air Base, Biyernes ng hapon.
Bago maging pinuno ng Air Force si Briguez ay commander ng unit na naka-assign para pangasiwaan ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea at miyembro din siya “Sinagtala Class of 1986”.
Naging pinuno rin si Briguez ng AFP Western Mindanao Command noong 2017.
Facebook Comments