ITINALAGA | Outgoing PAF Chief Kintanar, itinalagang bagong pinuno ng PCA

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing Philippine Air Force (PAF) Commanding General, Lieutenant General Galielo Kintanar Jr. bilang bagong administrator ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Ayon kay Pangulong Duterte – may kakayahan si Kintanar na hawakan ng PCA.

Dagdag pa ng Pangulo – naghahanap siya ng taong walang bahid at mapagkakatiwalaan lalo na sa paghahawak ng ₱87 billion na nakalaan para sa mga magsasaka.


Aminado ang Pangulo na hindi niya personal na kilala si Kintanar pero nakikita niya ang katapatan nito na maglingkod sa gobyerno.

Binibigyan din ni Pangulong Duterte si Kintanar na pumili ng mga sarili niyang mga tao na tutulong sa kanya sa PCA.

Hiniling din ng Pangulo na magbitiw sa pwesto ang lahat ng board member ng PCA para mabigyang pagkakataon ang reorganization dahil matagal nang umiiral ang korapsyon sa ahensiya.

Si Kintanar ang pinakahuling military official na itinalaga ng Pangulo sa government position.

Facebook Comments