Bagong pinuno ng DND, pormal nang naupo sa pwesto; Modernization Program ipagpapatuloy

117

Na-i-turn over na ni dating Secretary of National Defense Delfin Lorenzana ang panunungkulan sa pwesto sa bagong pinuno nito na si Department of National Defense (DND) Undersecretary Jose Faustino Jr.

Sa kanyang farewell speech sinabi ni Sec. Lorenzana na ipinagkakatiwala nya ang defense organization sa bago nitong liderato.

Naniniwala si Lorenzana na si Faustino ang ‘right man’ sa tungkulin dahil sa ipinamalas nitong sipag, tiyaga, galing at dedikasyon sa trabaho.


Samantala, sa panig naman ng bagong Defense Chief na si Usec. Faustino nangako itong pamumunuan ang Tanggulang Pambansa na may patriotism, professionalism at good governance.

Tiniyak din nito ang smooth implementation ng kanilang modernization program sa layuning mapalakas at maprotektahan ang soberenya ng bansa.

Si Usec. Faustino bilang DND Chief ang syang mangangasiwa na ngayon sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines, Government Arsenal, National Defense College of the Philippines, Office of Civil Defense, at ang Philippine Veterans Affairs Office.



Facebook Comments