Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tiniyak ang pagkakaroon ng mas modernong air assets ang Philippine Air Force

328

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isa sa kanyang magiging prayoridad ay ang pagtutok sa pagpapaangat pa ng kapabilidad ng Philippine Air Force (PAF).

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang speech sa ika-75 anibersaryo ng PAF sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa pangulo, very critical ang tungkulin ng pangulo para sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa, paglaban sa local communist group at mga extremist.


Maging ang pagsasagawa ng humanitarian assistance at relief operation sa panahon ng kalamidad.

Kaya mahalaga na mapaangat ang kapabilidad ng PAF, partikular ang pagkakaroon ng mass transport aircraft at helicopter.

Samantala, pinuri din ng pangulo ang mga tauhan ng PAF dahil sa patuloy na pagtupad ng kanilang tungkulin kaya nagiging mas makabuluhan ang selebrasyon ng kanilang anibersaryo ngayong araw.



Facebook Comments