Bagong Pinuno ng PNP Isabela, Pormal na Uupo Ngayong Araw!

179

Cauayan City, Isabela- Mapapalitan na ngayong araw, Mayo 12, 2020 ang pinuno ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na si PCol. Mariano Rodriguez.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Clarence Labasan, PIO ng IPPO, sa gagawing turn-over ceremony mamayang alas 8:30 ng umaga sa Multipurpose hall ng IPPO ay papalitan na bilang bagong Provincial Director ni PCol James Cipriano si PCol Rodriguez na dalawang taon nang nanilbihan bilang pinuno ng PNP Isabela.


Si PCol Cipriano ay galing sa Kampo Krame at tubong probinsya ng Cagayan.

Inaasahan ang pagdating ng mga matataas na opisyal mula sa RECOM, si RD PG\BGen Angelito Casimiro, MGen. Pablo Lorenzo ng 5ID, si Isabela Governor Rodito Albano III ALBANO at ilan pang mga alkade sa Lalawigan upang pormal na tunghayan ang pagsalubong sa bagong PD ng IPPO.

Ayon pa kay PCapt. Labasan, wala pang impormasyon kung saan itatalaga si outgoing PCol Rodriguez.

Facebook Comments