BAGONG PINUNO | Pagkakaappoint kay CA Associate Justice Socorro Inting sa COMELEC, welcome sa PPCRV

Manila, Philippines – Welcome sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagkakatalaga kay Court of Appeals Associate Justice Socorro Inting, bilang pinaka bagong commissioner ng Commission on Election (COMELEC).

Ayon kay PPCRV National Chairperson Rene Sarmiento, ang mahabang panahong panunungkulan ni Inting sa hudikatura ay isang malaking ambag sa poll body.

Bukod dito, ayon kay Sarmiento, base sa kaniyang karanasan, noong Regional Trial Court Judge pa lamang si Inting, ay kaniyang na saksihan ang pagiging patas nito.


Matatandaan nitong Abril 19, inanusyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Inting bilang Poll Commissioner, kung saan mag-sisilbi ito hanggang 2025.

Facebook Comments