Manila, Philippines – Itinalaga na bilang director ng PNP Aviation Security Group ang tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Police Chief Supt. Dionardo Carlos.
Pinalitan ni General Carlos si Police Chief Supt. Sheldon Jacaban na nagretiro ngayong araw sa edad na 56 na taong gulang.
Si Jacaban ay walong buwan nagserbisyo bilang pinuno ng AVESGROUP.
Habang si Carlos ay nanilbihan bilang PNP Public Information Office Chief simula noong July 1, 2016.
Sa naging talumpati ni General Carlos, sinabi nitong tutukan nya ang krimen, korapsyon, pagsugpo sa iligal na droga at terrorism para maging ligtas ang lahat ng paliparan sa buong bansa.
Papalit sa pwesto ni General Carlos si Police Chief Supt. John Bulalacao ng National Capital Region Police Office.
Pinangunahan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang ginawang turnover of command ceremony at retirement honors na isinagawa ang seremonya sa AVSEGROUP headquarters sa Pasay City.