BIBISITA | Pangulong Duterte, biyaheng Marawi City ngayong araw

Muling bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City para pangunahan ang pagbibigay ng transitory shelters para sa mga residente ng lungsod na naapektohan ng kaguluhan doon.

Batay sa official schedule ng Pangulo ay inaasahan ang pagdating nito sa Marawi City mamayang hapon kung saan bukod sa pagbibigay ng transitory shelters ay pangungunahan din ni Pangulong Duterte ang ground breaking ceremony ng isang kampo militar sa lungsod.

Pangungunahan din naman ni Pangulong Duterte ang paglulunsad ng Landbank Financial Assistance Program para sa mga Marawi City at ang pagpapasinaya ng isang Community-Based Drug Rehabilitation Center.


Facebook Comments