BAGONG PINUNO | Police Director General Oscar Albayalde, pormal nang umupo bilang PNP Chief

Manila, Philippines – Pormal nang umupo bilang ikaw 22 Philippine National Police Chief si Police Director Oscar Albayalde.

Kasunod ng isinagawang turn over and Change of Command Ceremony sa grandstand ng Camp Crame Quezon City.

Sa kanyang talumpati, ipinangako niya sa sa publiko na mananatili ang kapayapaan sa bansa kung saan malayang makapamuhay, makakapagtrabaho at makapagnegosyo ang mga Pilipino.


Siniguro rin nito na mahigpit na ipapatupad ang striktong pagdidisiplina at pagiigtingin ang pagpapatupad ng internal cleansing sa hanay ng PNP.

Palalakasin rin ni Albayalde ang kampanya kontra krimen at iligal na droga.

Dahil kilala sa pagiging istrikto aasaha rin daw ng mga PNP Provincial at City Directors ang pagsasagawa niya ng mga surprise inspections upang regular na ma-assess ang kahandaan ng mga pulis sa ground.

Facebook Comments