Lalaking may Kasong Rape at Acts of Lasciviousness, Arestado!

Cauayan City, Isabela – Arestado ang isang lalaki na may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 7610 kahapon Abril disi otso, taong kasalukuyan sa Barangay Tagaran Cauayan City.

Kinilala ang suspek na si Michael Nicolas, kwarentay uno taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Esem Galiza ng Cauayan City Police Station na aniya nadakip si Nicolas sa bisa ng warrant of arrest na iipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 ng Cauayan City.


Sinabi pa ni PSI Galiza na taong mil dos disi syete ay unang nasampahan ng kaso ang suspek matapos gahasain ang isang menor de edad.

Kasong 5 counts ng Acts of Lasciviousness o RA 7610 at isang beses na kasong panggagahasa ang isinampa kay Nicolas kung saan may piyansang isang daan at walumpung libong piso kada kaso.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng Cauayan City Police Station si Michael Nicolas para sa kaukulang parusa.

Facebook Comments