Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) si Noel Kinazo Felongco.
Papalitan ni Felongco ang sinibak na si Terry Ridon dahil sa madalas na pagbiyahe sa abroad.
February 1 pa nang lagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Felongco.
Bago naitalagang PCUP chairman, naging undersecretary ng Department of Environment and Natural Resources si Felongco
Bukod kay Felongco, itinalaga rin ng Pangulo si Romeo Halasan Jandugan bilang commissioner ng PCUP.
Magiging bagong miyembro naman ng consultative committee na magre-review sa 1987 constitution si Ferdinand Bocobo.
Facebook Comments