Bagong PMA commandant of cadet, aminadong nakaranas din dati ng hazing

Aminado si Philippine Military Academy (PMA) Commandant of Cadet, Brig/Gen. Romeo Brawner na nakaranas din siya ng hazing.

Ayon kay Brawner – dumaan din siya sa pagmamaltrato noong siya pa ay kadete kaya bitbit niya ito bilang paninindigan sa ‘giyera kontra hazing.’

Nagawa niyang maituro ang pagdidisiplina sa kanyang upperclassmen na hindi sila sinasaktan.


Dagdag pa ni Brawner kailangang mapalitan ang kultura ng karahasan at kultura ng pananahimik sa loob ng PMA.

Dapag maging responsable ang mga 1st class cadets sa kanilang cadet corps.

Para sa kanya, isolated cases lamang ang hazing at maraming PMA graduate ang nagtapos bilang mahusay na lider.

Facebook Comments