Suspensyon sa Keno at ‘Scratch It,’ binawi na

Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na simula ngayong araw ay balik operasyon na ang Keno Games at instant sweepstakes o mas kilala bilang ‘Scratch It.’

Ito ay matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na suspensyon para rito.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma – maaari na muling magbenta ng tickets at magsagawa ng draws para sa Keno at Scratch It.


Una nang binawi ang suspensyon sa lotto at sa small town lottery (STL).

Nabatid na ipinag-utos ng Pangulo ang pagtigil ng operasyon ng lahat ng gaming schemes ng PCSO dahil sa isyu ng korapsyon.

Facebook Comments