Nanumpa na si Philippine National Police (PNP) Chief Archie Francisco Gamboa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga bakwit sa Sto. Tomas, Batangas.
Sa panunumpa ng ika-23 PNP chief ay tinanggap niya muna ang kanyang four-star rank bago pinangunahan ng Pangulo ang distribusyon ng ayuda sa mga residente na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal sa Sto. Tomas, Batangas.
Pagkatapos ng oath taking, isinagawa ang Donning of Rank matapos itaas sa four-star rank si Gamboa.
Sinabi ni Gamboa na sobra-sobra na ang kanyang naging paghahanda para sa paghawak ng naturang posisyon matapos niyang maging OIC sa loob ng 3 buwan.
Bago naitalaga sa pwesto si Gamboa, ay nagsilbi muna ito bilang officer-in-charge ng PNP sa loob ng tatlong buwan matapos ang pagbibitiw ni retired General Oscar Albayalde na nadawit sa ninja cops issue.