Bagong polymer banknotes, ilalabas ng BSP sa susunod na taon

Target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ilabas ang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series sa unang bahagi ng 2025.

Inaasahang kabilang na rito ang P50, P100, P200, and P500 polymer banknotes.

Ayon sa BSP, ibang materyal ang gagamitin sa ilalabas na FPP Banknote Series pero madali pa rin daw itong makilala dahil sa kulay.


Mayroon din daw itong enhanced accessibility features para sa mga Pilipinong may problema sa paningin.

Tiniyak naman ng BSP na mas pinaigting ang security features nito upang hindi basta-basta magaya at mapeke.

Tampok sa bagong banknotes ang iba’t ibang bulaklak at hayop sa bansa bilang bahagi ng pagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan.

Samantala, nilinaw ng BSP na mananatili sa sirkulasyon ang perang papel kahit mailabas na ang iba pang denominasyon ng perang polymer.

Noong April 2022 nang magsimulang ilabas ng BSP ang bagong P1,000 polymer banknotes.

Facebook Comments