Inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Davao sa ilalim ng United Nations Office on Drugs and Crime – World Container Control Program ang bagong Port Control Office.
Ang naturang Container Control Program ay para palakasin pa ang kapasidad ng BOC para masiguro ang seguridad sa mga pantalan at paliparan.
Paraan din ito para maiwasan na makapasok sa bansa ang mga smuggled products at iligal na droga.
Nabatid na ang Container Control Program ay ipinapatupad sa higit 70 member states kung saan sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan at palitan ng impormasyon ang mga bansa upang matukoy ang pinanggalingan ng mga smuggled products gayundin ang iligal na droga at mga sangkap nito.
Ang nasabing hakbang naman ay ilalim pa rin ng 8-point economic agenda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang mapalakas pa ang public order and safety kabilag ang peace and security.
Bahagi rin ito ng direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz para maiwasan ang smuggling at mapigilan ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa.