BAGONG POSISYON | Outgoing AFP Chief of Staff General Guerrero, hihintayin muli ang official announcement para sa pag-upo nya bilang MARINA Administrator

Manila, Philippines – Maghihintay na lamang ng bagong announcement ng Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing Armed Forces of the Philippines General Rey Leonardo Guerrero para sa bago nitong posisyon sa gobyerno.

Si Guerrero ay magreretiro ng ngayong araw na papalitan ni Incoming AFP Chief of Staff Lieutenant General Carlito Galvez.

Isasagawa ang turn-over ceremony at Change of Command ceremony sa Camp Aguinaldo mamayang hapon na dadaluhan ni Pangulong Duterte.


Ayon kay Guerrero, bagamat una nang sinabi ng Pangulo na mauupo sya bilang pinuno ng Maritime Industry Authority o MARINA ay maghihintay pa rin sya ng bagong announcement mula dito.

Kailangan aniya kasi ng actual appointment order para masabing opisyal na ang pagkakatalaga nya sa pwesto.

Samantala, Magpupulong naman ang AFP Board of Generals upang pagusapan ang pagtatalaga ng bagong Western Mindanao Comman Commander kapalit ni General Galvez.

Sinabi ni General Guerrero na habang wala pang napipili bahala muna si General Galvez na magtalaga ng Officer in Charge sa WESMINCOM.

Facebook Comments