PINABORAN | Hirit ni Sereno na pagbayad sa overtime ng kanyang mga tauhan, kinatigan ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Pinaboran ng Supreme Court en banc ang apela ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na mabayaran ang overtime pay ng kanyang mga close-in security at staff mula March 1-31, 2018.

Ito ay sa kabila ng leave of absence ni Sereno.

Inilabas ang desisyon ng SC en banc matapos ang kanilang deliberasyon sa Baguio City.


Una nang nagpadala ng memorandum kay Acting Chief Justice Antonio Carpio si Fiscal Management and Budget Office Head at Deputy Clerk of Court Corazon Ferrer-Flores at hiniling sa en banc na desisyunan ang hirit na ni Sereno.

Sinasabing aabot sa mahigit tatlumpunang close-in security at staff ni Sereno ang hiniling nitong mabayaran ang overtime pay.

Facebook Comments