Bagong Procurement Law, pinal na inaprubahan sa Senado

 

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang New Government Procurement Reform Act.

Dahil “certified as urgent” ang panukala, mabilis ding naaprubahan sa plenaryo ang Senate Bill 2593 sa botong 23 na sang-ayon at wala namang pagtutol at wala ring abstention.

Isinusulong ng panukala ang higit na transparency, accountability, operational efficiency at pagpapahalaga sa pondo.


Oras na maging ganap na batas ay lilikha rito ng Electronic Procurement System na magpapabilis sa kakayahan ng gobyerno na makapaghatid ng kinakailangang serbisyo sa mga Pilipino.

Ang Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) ang single electronic portal na magsisilbing pangunahing channel at mapagkukuhanan ng impormasyon sa pagsasagawa ng lahat ng procurement activities ng pamahalaan para sa pagbili ng mga produkto, proyektong pang-imprastraktura at consulting services.

Facebook Comments