Bagong programa ng PEZA na Global Biz, inilunsad na

42

Inilunsad ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang ‘Global Biz’ upang makahikayat pa ng mas maraming pang investors sa bansa.

Ito ay matapos umabot lamang sa halos ₱95 billion ang kabuuang halaga ng pumasok na investment sa bansa noong nakaraang taon.


Target ng nasabing programa na magsagawa ng buwanang forum para sa mga investors at iba pang stakeholders para pag-usapan ang mga business at investment opportunities sa PEZA’s Ecozone.

Facebook Comments