Bagong Proyekto ng PNP Cagayan, Inilunsad

*Cauayan City, Isabela*- Inilunsad ng Cagayan Police Provincial Office ang kanilang bagong proyekto na “Bisita ni PD at COP sa Barangay” na bahagi ng “Bola Kontra Droga” na pinangunahan ng mga Tokhang Responders ng Pamahalaan sa Bayan ng Solana, Cagayan kaninang umaga, January 20, 2020.

Dinaluhan ito ng humigit kumulang 700 na katao na aktibong nakibahagi rin sa mga napapanahong sitwasyon sa kanilang lugar, mga paraan upang maiwasan ang krimen sa barangay at kanilang pangako na makiisa sa pwersa ng pulisya upang labanan ang kriminalidad.

Kasabay nito, inilunsad din ang Project BALISI ((ka*B*taan g*A*bayan *L*aban Sa kr*I*men at terrori*S*mo, *I*sakatuparan) na naglalayong ipanawagan ang pagkondena sa abusadong aktibidad ng mga rebeldeng grupo upang maiwasan ang hindi inaasahang insidente sa buong Probinsya.


Pinuri naman Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang mga isinasagwang aktibidad ng PNP Cagayan at Solana Police Station sa paraan ng pagbibigay kapayapaan sa probinsya.

Gayunman, pinuri din ni PLTGen. Archie Gamboa, Chief of Police ang lahat ng aktbidad ng pulisya sa probinsya.

Hinikayat naman ni PCol. Ariel Quilang ang pagkasabik ng publiko para sa mas mapayapa at ligtas na Probinsya ng Cagayan.

Facebook Comments