Inihayag ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na tapos na nang gawin ang bagong quarantine facility ng lungsod na itinayo sa may likod ng Pinaglabanan Shrine.
Ito ay sinumula gawin noong December 2020 ng Department of Public works and Highways (DPWH) na may pondong P19 million at ito ay bubuksan sa Sabado.
Pero aniya, bago ito buksan ay magsasagawa muna ng blessing sa nasabing quarantine facility sa Biyernes.
Gamit ang container van, nagawa ang two storeys na mayroong 52 rooms na may kama, aircon, palikuran at liguan.
Ito aniya ay para sa mga COVID-19 patient na a symptomatic o may mild symptom lang.
Sinabi rin ng alkalde na magbibigay sila ng P3,000 bilang tulong pinansyal doon sa mga papasok sa kanilang quarantine facility, bilang paghikayat na huwag na sa bahay mag-isolate.
Umaasa naman ang alkade na dahil sa bagong quarantine facility nila, tuluyan nang baba ang bilang ng mga active cases sa lungsod.