COVID-19 cases sa PNP, tumaas pa

43

May naitalang 169 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa ulat ng PNP Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force (ASCOTF) kaya naman sumampa na sa kabuaang 20,009 ang kaso ng COVID -19 sa kanilang hanay.

Batay pa sa datos ng PNP Health Service, bumaba naman sa 1,776 ang aktibong kaso o ang mga patuloy na ginagamot o nagpapagaling makaraang madagdagan ng 202 ang bagong gumaling sa sakit.


Sa ngayon, 18,178 na ang kabuuang bilang ng recoveries sa hanay ng PNP habang nananatili naman sa 55 ang bilang ng namatay dahil sa virus.

Facebook Comments