Nakatakdang i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo ang bagong quarantine classifications sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa kasabay ng muling pagbubukas ng ekonomiya habang pinipigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay inaasahang magpupulong ngayong araw para isapinal ang mga rekomendasyon kay Pangulong Duterte patungkol sa lockdown scenarios.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa malinaw kung ilalahad na ni Pangulong Duterte ang bagong quarantine status ngayong araw.
Para naman kay IATF Vice Chairperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mayroon na silang preliminary findings sa COVID-19 situation sa ilang lugar.
“We share the preliminary findings to the different (Local Government Units)… and they have the opportunity to make an appeal if they want to… We will then look at the appeals, if there are any, and we will come up with a final recommendation to the President,” ani Nograles.
Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) hanggang September 30, 2020.