Susuriin ng pamahalaan kada linggo ang bagong quarantine strategy na itinalaga sa Metro Manila na kasalukuyang nasa Alert Level 4.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nababago-bago kasi ang mga datos kaya hindi sila pwedeng mag-stick ng dalawang linggo at hindi ito babaguhin.
Aniya, sakaling mapatutunayan na ang naturang bagong quarantine strategy ay epektibo ay maaari itong ipatupad sa nalalabing bahagi ng bansa.
Gayunman, nilinaw ni Vergeire na ang huling rekomendasyon ay nakadepende pa rin sa pandemic task force ng gobyerno.
Facebook Comments