Bagong record sa pagtawid sa lubid, nasungkit ng isang estudyante sa Germany

Manila, Philippines – Isang estudyante mula sa Germany ang nahigitan ang dati niyang record sa pagtawid sa lubid.

Inabot si Friedrich Kuhne ng dalawang oras bago niya nagawang tawirin ang 1,600 metrong lubid na nakasabit ang mga dulo sa dalawang bundok.

Bagama’t hindi natapos ni Kuhne ang buong kahabaan ng lubid dahil nahulog siya 100 metro mula sa finish line, nakapagtala pa rin siya ng isang bagong world record.


Nasa 800 metro lang kasi ang dating world record ni kuhne.

Ayon sa mga organizers ng world record attempt, sa sobrang haba ng lubid na tinawiran ni Kuhne ay aabot sa 300 hanggang 400 kilo ang bigat nito.

Mas mahirap din anila ang ginawa ni Kuhne kaysa sa pagtawid sa tightrope dahil maluwag ang pagkakasabit ng lubid na kanyang pinagbalansehan kaya kaunting galaw lang ay gumegewang na ito.

DZXL558

Facebook Comments