Florist,naka-isip gawing flower vase ang basurahan

Sa New York, isang Florist ang naka-isip gawing flower vase ang isang basurahan.

Kung nakatira ka sa New York makikita mo sa bawat kanto ang sandamakmak na basurahan sa bawat kalye.

Ang isang Florist na si Lewis Miller ay naka-isip na baguhin ang boring na basurahan at gawing kaaya -aya sa paningin ng mga tao sa lugar.


Tira tirang bulaklak na galing sa mga kasal at mga events ang ginamit ni Miller at ng kanyang team upang bigyang buhay ang mga basurahan sa New York, na ikinatuwa naman ng mga tao sa lugar

Lahat ng gastos ay galing kay Miller, ngunit ayon sa kanya ang kasiyahang nakikita sa mga tao ay siyang reward na para sa kanya .

DZXL558

Facebook Comments