Bagong Regional Director ng DPWH 02, Itatalaga Na!

*S**an Isidro**, I**sabela**-* Pormal nang itatalaga sa Lunes, August 05, 2019 ang bagong Regional Director ng Department of Public Works And Highways (DPWH) Region 2 sa Lungsod ng Tuguegarao.

Itinalaga ni DPWH Sec. Mark Villar si Engr. Loreta Malaluan bilang Regional Director ng DPWH Region 02 matapos magretiro si Engr. Melanio Briosos.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Edmund de Luna, Isabela 4th District Engineering ng DPWH ay uupo sa Lunes sa kanyang bagong pwesto si Engr. Malaluan kaalinsabay ng pagpupulong na dadaluhan ng District Engineers ng buong Region 02.


Si Engr. Malaluan ay galing sa Region 03 na dating Assistant Regional Director ng nasabing ahensya.

Facebook Comments