Suspek sa brutal na pagpatay sa mag-asawang senior citizen sa DAS tukoy na ng PNP

Ipinakalat na ng DAS LGU at PNP ang larawan ng suspek na si Alfredo Paz.
Sinasabing si Paz ang responsable sa pagpatay sa mag asawang Danilo at Adelina Victorino.
Nauna na ring inihayag ng PNP na naglaan ng pabuya ang LGU sa kung sinu man ang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek.
Maari aniyang makipag-ugnayan sa PNP DAS ang publiko ayon pa kay DAS COP PLt. Judith Ambong.
Martes ng madaling araw ng matagpuang wala ng buhay ang mag-asawa at tadtad ng tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng kanilang mga katawan. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments