Bagong regional director ng PRO 13, pormal nang umupo sa pwesto

Pormal nang umupo si Police Brigadier General Pablo Gacayan Labra II bilang bagong regional director ng Police Regional Office (PRO) 13 o Caraga region.

Pinalitan ni Labra si Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., na itinalaga sa Philippine National Police (PNP) Directorate for Intelligence sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang turnover ceremony na ginanap sa Camp Rodriguez, Butuan City.


Si Labra ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapaglunsad” Class of 1993 ay nagtapos ng Master’s Degree in Public Administration at Bachelor of Laws sa University of the Visayas.

Sumailalim din ito sa mga pagsasanay sa Pilipinas at sa ibang bansa, kabilang sa Russia sa larangan ng operations, intelligence, at investigation.

Bago maitalaga sa pwesto, si Labra ay nagsilbi bilang Provincial Director ng Sulu, Chief ng Regional Staff, Deputy Director for Operations, at Deputy Director for Administration sa PRO Bangsamoro Autonomous Region kung saan niya nakuha ang kanyang unang estrella.

Facebook Comments