Emi: Mega Tourism Job Fair 2022, kasado na ngayong araw sa Pasay City

Hinikayat ngayon ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano ang publiko na naghahanap ng trabaho na makiisa sa isasagawang Emi: Mega Tourism Job Fair 2022 ngayong araw sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ayon kay Mayor Calixto-Rubiano, ang Emi: Mega Tourism Job Fair 2022 ay bilang bahagi ng World Tourism Day kung saan 66 local and overseas employers ang makiisa para sa lahat ng mga nais magkaroon ng trabaho lalong lalo na sa mga nais na pumasok sa tourism industry, fresh graduate, o yung mga gustong papalitan ang kanilang tatahaking karera na magsisimula mamayang alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Paliwanag ng alkalde na mayroong halos 3,000 bakanteng trabaho ang kanilang alok kaya’t huwag nang magpatumpik-tumpik pa ang mga walang trabaho dahil baka kayo na ang isa sa mga ma-hired on the spot sa naturang Mega Job Fair.


Ikinatuwa ni Mayor Calixto-Rubiano ang suportang ipinamalas ng DZXL Radyo Trabaho Team sa kanilang isasagawang Mega Job Fair mamaya kung saan kabilang sa mga hotel na maaaring aplayan at pasahan ng kanilang mga resume ay ang Ascott, Conrad, Berjaya, Belmont, Midas Hotel and Casino, Okada Manila, Savoy Hotel, Sheraton Manila Hotel at Seda Hotel.

 

Facebook Comments