Bagong saksi sa pagpatay kay Kian Delos Santos – idiniin ang Caloocan PNP

Caloocan City – Idiniin ng lumutang na isa pang saksi ang Caloocan City-PNP sa pagpatay sa grade 11 pupil na si Kian Lloyd Delos Santos.

Sinabi ng saksi na tumangging magbigay ng pangalan na nagmamakaawa pa ang biktima bago binaril ng mga pulis Caloocan.

Magugunitang ang biktimang si Delos Santos ay sinasabing nakipagbarilan sa mga pulis makaraan ang kanilang ginawang Oplan Galugad sa barangay 160 sa nasabing lungsod noong Miyerkules ng gabi.


Bukod sa isang cal. 45 baril, sinabi ng mga pulis na may nakuha rin silang dalawang sachet ng shabu mula sa biktima.

Pero, sinabi ng naturang saksi na umiiyak umanong nagsabi ang biktima na huwag siyang barilin habang nakaupo sa isang sulok pero hindi ito pinansin ng mga tauhan ng Caloocan City PNP.

Pilit na binigyan ng baril ang biktima bago pinatakbo ng mga pulis at saka binaril.

Sa isang kuha naman ng CCTV sa lugar ay makikita rin na bitbit ng mga pulis si Delos Santos taliwas sa kanilang pahayag na ito ay kanilang hinabol na nauwi sa barilan.

Facebook Comments