Dalawa katao, patay habang anim sugatan sa pananaksak sa Finland

Finland – Dalawa ang patay habang anim ang sugatan matapos ang nangyaring pananaksak sa Turku Market, Square sa Finland.

Batay sa ulat, bigla na lamang nanaksak ang hindi pa nakikilalang suspek sa mga biktima.

Agad naman nahuli ang suspek na isang binatilyo.


Hindi naman nakikita ng mga otoridad na terror attack ang nasabing pananaksak.

Facebook Comments