BAGONG SCHOLARSHIP CODE SA LA UNION, TARGET PALAKASIN ANG SUPORTA SA EDUKASYON NG HIGIT 2,000 ISKOLAR

Pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang Educational Assistance and Scholarship Code of 2026, bilang hakbang upang mas palakasin ang suporta sa edukasyon sa buong lalawigan, maipasa sa huling pagbasa sa isang regular na sesyon ngayong Pebrero.

Layunin ng bagong Code na mas maabot ang mga estudyante mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga atleta, technical-vocational learners, at kabataang kabilang sa marginalized sectors tulad ng PDL, IP, PWD, solo parents, at mga ulilang bata.

Binibigyang-diin nito ang balanse ng pamantayan sa larangan ng akademiks, kung saan prayoridad ang pagpapanatili ng passing grades para sa mga sektor na nangangailangan ng dagdag na suporta, upang matiyak na may patas na pagkakataon ang lahat ng iskolar.

Kasama rin sa reporma ang malinaw na patakaran sa implementasyon, fiscal accountability, at performance monitoring, kasama ang paggawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa mas maayos at transparent na pagpapatupad ng programa.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito,inaasahang mas mapapabuti ang mga oportunidad para sa lahat ng kabataan sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments