Manila, Philippines – Inilabas na ng Palasyo ng Malacañang ang appointment paper ni Senador Gringo Honasan bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Honasan noong November 20.
Si Honasan ay papalitan si Secretary Eliseo Rio.
Wala pa namang impormasyong inilalabas ang Malacañang kung kailan gagawin ang oath taking ni Honasan sa posisyon habang papasok naman ito sa DICT kasabay narin ng pagpasok ng 3rd telco player sa bansa.
Una nang sinabi ng Malacañang na tiwala si Pangulong Duterte na magagampanan ni Honasan ang kanyang mandato at maibibihay sa mamamayan ang serbisyong dapat nitong matanghap mula sa gobyerno.
Facebook Comments