2018 SUZUKI CUP | Philippine Azkals tumabla sa Thailand War Elephants

Bacolod City – Isinalpak ni Jovin Bedic ang equalizer sa 80th minute para maitabla ng Philippine Azkals ang laban nito kontra defending champion Thailand War Elephants, 1-1 sa 2018 Suzuki Cup kagabi sa Pana-ad Park and Stadium sa Bacolod City.

Wala pang dalawang minuto sa laro si Bedic pero nagawa nito ang kabayanihan para mapigilan ang pamamayagpag ng Thailand sa torneo.

Ito ang pinakamagandang resulta ng Azkals kontra sa five-time defending champion na War Elephants sa nakaraang apat na taon.


Dahil sa draw, parehong may 7 points ngayon ang Pilipinas at Thailand sa Group B pero angat sa top spot ang War Elephants dahil sa goal difference.

Bibiyahe ang Azkals patungong Jakarta para harapin naman ang Indonesia sa pagtatapos ng group stage sa November 27.

Kailangan ng Azkals na manalo para makuha ang tiket sa semifinals.

Makakapasok naman ng walang aberya ang Azkals sa last 4 kung matatalo ang Singapore laban sa Thailand sa huling laro nila sa eliminations.

Facebook Comments