Kumpiyansa si Agriculture Secretary William Dar na mapupunan na ang mababang supply at pagtaas ng presyo ng baboy sa mga public markets sa kamaynilaan at iba pang lugar sa Luzon dahil sa paparating na suplay ng baboy mula sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Dar, paparating na sa linggong ito ang karagdagang shipments ng mga buhay na baboy at frozen pork products o “pork-in-a- box” mula sa Cebu, Iloilo ,Leyte, Davao, General Santos at Cagayan de Oro.
Ito ang napagkasunduan ng DA at hog industry na dagdagan ang shipment ng baboy at frozen pork mula sa mga rehiyon na una nang pinasimulan noong Mayo.
Ayon pa sa kalihim, magkakaroon ng pagtaas ang weekly shipments mula 27,000 hanggang 30,000 piraso ng baboy at magpapatuloy ito hanggang sa Disyembre ngayong taon.