Cauayan City, Isabela-Naitala ng Probinsya ng Apayao ngayong araw ang ikalawang kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 na isang bagong silang na babaeng sanggol na residente ng Paddaoan, sa bayan ng Conner.
Ito naman ang ika-21 kumpirmadong kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa nasabing bayan.
Una rito, isinilang ang bata sa isang Caesarian procedure sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City nitong nakaraang linggo, Disyembre 27, dahil sa pagkabalisa ng panganganak na may sinabayan pa ng pagkakaroon ng Amnio Fluid hanggang mabatid rin na mayroong Meconium o isang uri ng likido na kulay berde na nakita sa intestine ng sanggol ng maipanganak ito.
Kahapon ng isailalim sa swab testing ang sanggol subalit sa hindi inaasahan ay binawian ito ng buhay at ilan sa mga resulta ng pagsusuri ay ang nakaranas ito ng paulit-ulit na pulmonary hypertension, Meconium Aspiration Pneumonia, at COVID confirmed critical.
Habang lumabas namang negatibo sa COVID-19 ang ina ng bata matapos ang ginawang pagsusuri dito.
Sa ngayon, nakapagtala ng 95 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang probinsya habang dalawa (2) nalang ang nananatiling aktibo; 91 ang nakarekober sa sakit at dalawa (2) ang naitalang namatay.