Isang bagong panganak na sanggol ang iniahon mula sa hukay sa India matapos ilibing nang buhay, ayon sa ulat ng lokal na pulisya.
Nadiskubre ang bata ng isang residente na nangyaring naghuhukay rin noon ng paglilibingan ng anak na namatay sa pagsilang.
Isinilid ang sanggol sa palayok at ibinaon sa hukay na may tatlong talampakan ang lalim.
Inakala pa umano ng residente na nabuhay ang kanyang anak, ngunit napagtantong nanggagaling ang boses mula sa palayok.
Nang buksan, tumambad ang sanggol na may bigat na 2.4 pounds o 1.1 kilograms na agad namang isinugod sa ospital at kasalukuyang ginagamot ang impeksyon sa baga.
Hinahanap na ng awtoridad ang magulang ng sanggol na hinihinilang pinahintulutan ang paglilibing dito nang buhay.
Nakararanas ng patuloy na pagbaba ng bilang ng kababaihan sa India dahil sa talamak na diskriminasyon.
Itinuturing ng lipunan na pabigat ang mga babae, lalo na sa mga mahihirap na komunidad.
Sa kabila ng pagbabawal sa bansa ng aborsyon, patuloy pa rin ang iligal na gawain–maging ang pagpatay sa mga bagong silang na babae ay hindi na rin bihira.