Isang kapapanganak lang na sanggol sa Cebu City ang nagpositibo sa COVID-19, iniulat ng Department of Health (DOH) – Central Visayas nitong Martes.
Ayon sa DOH, nagpakita ng sintomas ang nanay ng sanggol nang manganganak na, ngunit nagnegatibo naman kalaunan.
Kaugnay nito, isinailalim sa swab test ang sanggol pagkasilang nitong Abril 20, at nagpositibo ito sa sakit.
Inaalam pa kung paano nahawaan ang bata na kasalukuyang binabantayan sa ospital sa Cebu City.
Naitala ang sanggol na pinakabatang pasyente ng COVID-19 sa bansa.
Mayroon ng 203 kaso ng COVID-19 sa Central Visayas nitong Martes, 173 rito ay mula sa Cebu City.
Facebook Comments