Bagong sistema ng unloading configuration sa NAIA, sinimulan na

Sinimulan na ang parrallel unloading configuration sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1 sa may departure area.

Dito ay binago na ang sistema sa pagbababa ng mga sakay na pasahero na gagamit ng terminal.

Simula ngayong araw, parallel drop-off na ang kanilang ipatutupad, bukod sa marami na ring mga aiport security personnel sa drop-off point o tauhan sa paliparan bago na rin ang pintura na linya na magsisilbing gabay ng mga driver.

Hindi na rin papayagan pa ang diagonal drop off o parking kung saan nakaharap ang mga sasakyan sa terminal.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero kasunod ng nangyaring pananagasa noong linggo.

Facebook Comments