
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino sa abroad na samantalahin ang nagpapatuloy na overseas absentee voting para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Pangulong Marcos, mas pinadali na ang proseso ng pagboto gamit ang teknolohiya, kaya’t hindi na nila kailangan pang pumila o bumyahe sa mga embahada o konsulado.
Pagkakataon aniya ang online voting na gamitin ng mga Pilipinong nasa abroad ang kanilang karapatang bumoto para sa kinabukasan ng Pilipinas.
Kasabay nito, hinikayat ng Pangulo ang mga botante na maging mapanuri at piliin ang mga kandidatong tunay na may malasakit sa bayan, may sapat na kakayahan, at matatag na paninindigan.
Nagsimula ang overseas voting noong April at magtatagal hanggang sa May 12, araw ng halalan.
Facebook Comments