Bagong sistema sa baggage declaration ng BOC, nagdulot ng kalbaryo sa mga pasahero sa NAIA

Naging kalbaryo sa mga pasaherong dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa ibang bansa ang bagong polisiya ng Bureau of Customs (BOC) para sa baggage declaration.

Nagdulot kasi ito ng sobrang haba ng pila sa pinaka-exit ng customs dahil kailangang i-scan ng mga pasahero ang e-travel pero dahil sa magkakasabay ang pagdating ng mga flights ay naipon ang mga pasahero paikot sa mga conveyor hanggang palabas ng Customs area.

Nakadagdag pa rito ang mabagal na scanner ng Customs sa e-travel baggage declaration.


Dahil dito, nagkaroon na ng mga singitan sa pila at nag-away-away ang ilang pasahero dahil sa haba ng kanilang pila lalo nat mga pagod ang mga ito galing sa mahabang biyahe mula abroad.

Ayon sa ilang pasahero, tila hindi napaghandaan ng Customs Port of NAIA ang magiging epekto ng implementasyon ng baggage declaration at kulang sila sa gamit scanner para mapabilis sana ang pagproseso sa mga pasahero.

Facebook Comments