Bagong sistema sa pagbibigay ng prangkisa sa mga pampublikong sasakyan, lalagdaan na ng LTFRB

Manila, Philippines – Pipirmahan na sa Lunes, Hunyo 19 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang omnibus franchising guidelines para sa bagong sistema sa pagbibigay ng prangkisa sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, taong 2003 pa ng itigil ang pagbibigay ng bagong prangkisa para sa mga public utility vehicles.

Nakasaad sa O-F-G, bibigyan ng papel ang mga local government unit na magplano ng mga rutang dadaanan ng mga pampublikong sasakyan sa kanilang lugar na magiging basehan ng LTFRB sa pagbibigay ng prangkisa.


Paliwanag pa ni Delgra, paraan rin ito para masigurong mabibigyan ng bagong prangkisa ang mga rutang wala pang dumadaang puv’s.

Habang babawasan o ililipat aniya sa ibang ruta ang mga sobrang puv’s na nag-ooperate sa isang lugar.

Nilinaw naman ng LTFRB na iba ang sitwasyon sa Edsa na masyadong maraming mga bus na may prangkisa.

Aniya, ipapatupad nila sa Edsa ang isang bus rapid transit na may sariling lane, istasyon at centralize control.
DZXL558

Facebook Comments