BAGONG SLOTS | LTFRB, nagbukas ng 20,000 slots para sa TNVS

Nagbukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 20,000 slots para sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Ang online registration ay nagsimula na kahapon, December 17, 2018 at magtatagal hanggang January 3, 2019.

Ito ay para sa mga driver na nais na magpa-accredit.


Binigyan naman hanggang December 15 ang mga nasa masterlist ng Transport Network Company (TNC) upang makapag-apply ng kanilang certificate of public convenience.

Pinaaalahanan ang mga interesadong magpa-accredit na siguraduhing kumpleto ang mga requirements para tulu’y-tuloy ang proseso ng kanilang aplikasyon.

Facebook Comments