Magdaragdag ng pwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tututok sa pag-operate sa mga sasakyang iligal na nakaparada na sagabal sa kalsada.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas ngayong araw, pinakilala ng MMDA, ang kanilang bagong buo na special operations group- strike force na mayroong 30 personnel.
Pinamumunuan ang Strike Force ni Gabriel Go na magsisilbing OIC sa dating grupo na hawak ng suspendido nilang pinuno ni Ret. Col. Bong Nebrija.
Paliwanag pa ni Vargas kung dati hanggang Traffic Discipline for Enforcement lang ang kanilang reporting, ang strike force ay direktang magre-report na kay Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas.
Saklaw nila ang Clearing Operations sa Mabuhay Lane at ibang kalsada.
Kakabitan sila ng body cameras para sa transparency ng kanilang operayon at may dala rin silang handheld device para paniket.
Dagdag pa ni Vargas na sa ganitong paraan, mas mabilis nilang mababalikan ang mga kalsada na una nang na-operate ng kanilang team.
Kadalasang problema kasi na makalipas lang ng ilang araw ay agad na bumabalik ang mga sasakyan sa mga iligal na parking area.
Samantala, mayroon pang hiwalay na strike force na nakamotorisklo na binubuo ng nasa 70 miyembro sa Huwebes naman na ilulunsad.