PBBM, pangungunahan ang regular sectoral meeting ngayong araw

Muling pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang regular na pagpupulong sa MalacaƱang sa pamamagitan ng isang sectoral o cluster meeting.

Katulad ng dati ay inaasahang maaga ang isasagawang sectoral meeting na kung saan ay ipinatatawag ang ilang kalihim ng ilang kagawaran.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang MalacaƱang sa kung anong kagawaran ang lalahok sa sectoral meeting.


Pero ipapaaalam din mamaya ng MalacaƱang ang mga napag-usapan sa pagpupulong at ang mga direktiba mula sa pangulo kasama na ang mga aprubadong mga panukala at programa ng pamahalaan.

Ito ay sa pamamagitan ng pulong balitaan na pangungunahan ni Presidential Briefer Daphne Paez pagkatapos ng regular na sectoral meeting.

Facebook Comments