Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ngayong buwan dadating sa bansa ang mga bagong stocks ng Remdesivir at Tocilizumab, na itinuturing na experimental drugs na panggamot sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Treatment Czar Usec. Leopoldo Vega, ito ang tiniyak sa pamahalaan ng manufacturers ng Remdesivir at Tocilizumab.
Sa harap ito ng pahayag ng DOH na nagkakaubusan na ng nasabing mga gamot sa mga ospital sa bansa.
Kaugnay nito, binigyan na rin ng pamahalaan ng tig-5 milyong piso ang mga ospital para ipambili ng mga stocks ng nasabing mga gamot.
Lumalabas sa pag-aaral na ang antiviral drug na Remdesivir ay nakakatulong para mas mapadali ang paggaling ng pasyente na high risk sa severe infection.
Habang ang Tocilizumab, na gamot sa rheumatoid arthritis drug ay nakakatulong sa mga kritikal na pasyente para maisalba ang kanilang buhay