Sunday, April 19, 2026

16.2 milyong pisong halaga ng marijuana, sinunog sa Cordillera

Sinunog ng mga operatiba ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region o PROCAR ang nasa 16.2 million pesos na halaga ng mga tanim na marijuana sa Benguet at Kalinga.

Sa isinagawang marijuana eradication operation sa Benguet, 3 plantasyon ng marijuana ang natagpuan na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na PhP5,548,000.00 sa Brgy. Badeo at Brgy. Tacadang sa Kibungan at Brgy. Kayapa sa Bakun.

Samantala sa Kalinga, apat na plantasyon naman ng marjiuana ang nadiskubre na tinatayang nagkakahalaga ng 10.6 million pesos sa Barangays Tulgao East, Buscalan, Dananao at Loccong, Tinglayan.

Kaugnay nito, agad na sinunog ang mga nasabing nadiskubreng marijuana habang ilang samples ang itinira at dinala sa Regional Forensic Unit- CAR para sa qualitative test.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng plantasyon sa mga kalapit na lugar at mapanagot ang mga nasa likod ng ilegal na pagtatanim nito.

Facebook Comments